Pages

Monday, October 18, 2010

FREED

KADARATING KO LANG DITO SA WHITE HOUSE, GALING BASE.
DOON, INIWAN KO ANG DESKTOP PC NA GAMIT KO RITO SA OPISINA.
DINALA KO IYON KANINANG TANGHALI.
DUN MUNA KO MAGOOPISINA TIL NEXT WEEK.


I REMEMBER, BASE IS LITERALLY MY "HOME" BASE.
DUN AKO NAGSIMULA, DUN AKO KINUPKOP NI MAM ;)
THREE YEARS NA AKONG PINAGKAKATIWALAAN NG DALAWA 
SA PINAKAMABUBUTING TAO NA AKING NAKILALA.


KATATAPOS LANG NG ISANG ARAW NA NAKAKAPAGOD.
MALI. KALAHATING ARAW NA PAGTATRABAHO.
10:30 NA NGA PALA AKO PUMASOK KANINA.
PAGOD AKO PERO MAGAAN ANG LOOB KO.


MAGAAN ANG PAKIRAMDAM, KESA SA MGA NAGDAANG ARAW AT GABI.
KAGABI, MALAYA AKONG NAGPAHAYAG NG AKING SALOOBIN.
ANG MGA PANGAMBA AT HIRAP NA TAON KO RIN SINARILI AY AKING IPINAALAM.
SINIGURO KO KUNG NAUNAWAAN NYA. AT NAUNAWAAN NYA.

MAGAAN ANG LOOB KO, DAHIL SIYA....
HANDA NA SA PAGLISAN KO.
AKO BA?

BATID KONG HINDI ROON NATATAPOS YON.
ALAM KONG HINDI PA LANG PUMAPASOK ANG IBANG KAISIPAN 
NA MAAARING BUMUGBOG SA AKING UTAK SA HINAHARAP.
BATID KO NA MAGAAN ANG LOOB KO, 
DAHIL NA RIN SA PAGSUSUMIKSIK NG KAGUSTUHAN KONG MAGING MALAYA.

MARAMING MAGBABAGO.
MARAMING PANGHIHINAYANGAN. HINDI NAMAN KASI BIRO ANG LIMANG TAON.
AT ANG SINSERO AT TAPAT NA PAG-AALAGA AY HINDI MATATAPATAN NG ANUMANG HALAGA.

ANG NINAIS KO NOONG PATUNAYAN AY NAPATUNAYAN KO NA.
ANG MALINIS KONG HANGARIN AY MATAGUMPAY KONG NAIPAKITA SA KANILA.

GAYUNMAN, MAHIRAP ANG LUMISAN NANG WALA KANG MASASAKTAN.

No comments: