Pages

Monday, November 29, 2010

NECROMENTIA

5AM NANG GISINGIN AKO PARA BUMANGON.
KAILANGANG MAGHANDA PARA SA SEREMONYA NG PANUNUMPA SA KATUNGKULAN NG MGA BAGONG HALAL NA OPISYAL NG SANGGUNIANG BARANGAY AT SANGGUNIANG KABATAAN. MC. BANGAG NA MC. PARANG HINAHABOL PA NG LIKOD KO ANG HIGAAN AT HINAHANAP NG MATA KO ANG KISAME NG AMING BAHAY.

NATAPOS ANG PALATUNTUNAN DAKONG ALAS-DIYES KANINA.
TAS NAG MEETING. TAS NATAGALAN PA, BAGO KO MAKATIKIM NG MERYENDANG YUM BURGER. UNA KONG NATIKMAN ANG BIGAY NI MS JOAN NA JOLLIBEE PANCAKE AT HOT CHOCO. SARAP. SALAMAT.

NAGDRAFT AKO NG CERTIFICATE OF APPRECIATION PARA SA MGA BISITANG KOREANO, INALAM ANG MGA PANGALAN NG SAMPUNG BISITA, GUMAWA NG PANGALAN PARA SA PALABUNUTAN NG MONITO-MONITA AT NAG-LAYOUT NG TARPAULIN PARA SA CHRISTMAS PARTY.

AKALA KO KASE, MAMAYA NA ANG FELLOWSHIP WITH THE FOREIGN VISITORS.
AT NAGULAT AKO NANG MALAMANG NOV. 29 PA LAMANG NGAYON.
ANG BUONG AKALA KO KASE MULA PA KAHAPON, AY DEC. O1 ANG PETSA NGAYON.
BADTRIP. KUNG HINDI PA AKO NAGTANONG KUNG TULOY ANG SOCIALIZATION, MALAMANG PUPUNTA KO SA CWD MAMAYA, AT MALAMANG AY NAITEKS KO PA ANG ILANG MYEMBRO NA PUMUNTA RIN. BUTI NA LAMANG.

SABI NGA NG ISANG KAIBIGAN, "SUEY SUEY LANG". DI KO MAINTINDIHAN KUNG ANO YON. HINANAP KO PA SA GOOGLE KUNG ANO ANG DEPINISYON NG KATAGANG 'YON, NGUNIT ANG LUMABAS LANG NAMAN AY UKOL SA "CHOP SUEY".
IBIG SABIHIN BA NOON AY, ONTI-ONTI LANG ANG KILOS PARA DI MALITO.
DAHAN-DAHAN GANUN? EASY EASY LANG? ISA ISA LANG?

ITO ANG PINAKA-KAKAIBA NA NAENCOUNTER KO KANINA SA PAGHAHANAP NG "TULONG" SA INTERNET:

Necromentia - Mr Piggy's Song (Suey suey suicide)

http://www.youtube.com/watch?v=Ke-18L2UP_A

WATCH IT NOW.

HINDI MO PALAGING MAKUKUHA SA INTERNET ANG TAMANG SOLUSYON NA KAILANGAN MO.

No comments: