Pages

Wednesday, December 08, 2010

LOCK ADD

I WAS ABLE TO ATTEND THE ALAY-LOCK-ADD.
AT DAHIL BEFORE 5:30 AM AY NANDITO NA KO SA OPISINA, 
MASAYA AKONG BINATI NI MANG BEN.
MASAYA SIYA NA GULAT. MASAYANG GULAT NA NANG-AASAR. 
MASAYANG GULAT NA NANGAASAR NA SINADYA YATANG LATHIIN ANG SAHIG KAKA-MOP PARA MADULAS AKO AT MAGISING TALAGA NANG MALUPET.
AT DI AKO NADULAS DAHIL NAPAKAGALING YATA 
TALAGA NG SENSE OF BALANCE KO PAG PUYAT AKO.

DAHIL NAKATULOG NAMAN AKO KAGABI FROM 8PM-10PM, HINDI NA KO NATULOG PA. BAKA HINDI AKO MAGISING. PUMUNTA KO SA PLAZA PARA I-CHECK LANG ANG ROTARY AT SK FED, DAHIL WALA AKO BALAK SUMAMA SA PARADA, DAHIL MADALI AKO MAPAGOD NGAYON (ALAM NYO NA, TUMATANDA, TUMATABA).
KASO, DAHIL ONTI LANG ANG UMATTEND SA RCC, SUMAMA NA KO.
BUTI NA LANG PALA SINUOT KO ANG RC SHIRT.
LAKAD-LAKAD. VITAMIN D. AT AMOY-JEBS NG KALABAW SA BANDANG BRGY 5.
JACKPOT. MAY ILANG TUYONG JEBS NG KALABAW SA KALSADA.
LAKAD-LAKAD. NANOOD SINA MAMA AT MGA PAMANGKIN KO SA MAY SIMBAHAN.
SA KABILANG STREET NAMAN, I THOUGHT I'LL SEE YOU.
KASO NANG MALAPIT NA SA BAHAY NYO, SA ITAAS NA BINTANA, MAY NAKASILIP NA MATANDANG LALAKI. HINDI KO NAMAN KAYO NAKITA NG KUYA MO.
PAGDAKO NAMAN NG MATA KO SA GATE, NAKA-UPO SI LOLA. YUN LANG.
HINDI SIGURO NYA KO NAKILALA DAHIL ISA NA AKONG GANAP NA "LOBO" NGAYON.

NAALALA KO, NANG MAKABALIK SA PLAZA MATAPOS ANG ILANG MINUTONG PAGSUNOD SA DRUM AND LYRE BAND NG TRIBONG UBE, NASAKSIHAN KO ANG PAGPASOK SA LIWASANG BAYAN NG ILANG ESTUDYANTE NG CVSU. DAGSA, ANG DAMI RIN PALA NILANG NAKIISA SA PAGLAKAD. NATUWA AKO PARA SA KANILA. NAISIP KO, ANG GALING DIN NG GOBYERNO. DAHIL KUNG WALANG PAMPUBLIKONG KOLEHIYO, MARAMI SA MGA KABATAANG ITO ANG POSIBLENG MAHIRAPANG MAKAPAGTAPOS.

TAPOS, NAGMADALI AKONG UMUWI PARA MATULOG.
HINDI AGAD AKO NAKATULOG KAYA, LARO MUNA NG GALAXY BALLS SA CP.
INANTOK AT NANAGINIP. ALAM MO NA. SADYANG MAHIRAP ANG PINAGDAANAN NATIN KAYA SIGURO GANON. (silence)
AT NATUWA NAMAN AKO DAHIL SA PANAGINIP AY MULING NAKUMPLETO ANG BATCH NYO.

NAGISING AKO NG 12NN AT 2PM ANDITO NA KO.
MAY KLIYENTE. NAGPAPAREGISTER AT  HUMINGI NG MASKRA. HINDI KO MAKITA ANG REGISTRATION SHEET KAYA SABI KO NEXT TIME NA LANG DAHIL DI KO MAKITA.
SABI NYA, AYAW DAW NYA SA PAPEL PUMIRMA, GUSTO NIYA SA BRIEF KO PUMIRMA.
SABI KO WALA AKONG KARSUNSILYONG SUOT. AT UMALIS ANG MABAIT NA 'LIMAW.

LAYOUT NG TARP, DRAFT NG OATH OF OFFICE NG ABC.
PRINT NG ILANG PANGALAN NG PAMAMASKUHAN.
KUMAIN AKO NG LOMI SA GRM FOOD SERVICES. SARAP. THE BEST!
PAGBALIK KO RITO SA OPIS, TUMANGGAP NG ILANG INSTRUCTIONS FROM MADAM.

ANG SWERTE KO NAMAN YATA NGAYON, 
NANG KINUHA KO ANG FAN SA KABILANG CUBICLE, 
NAKITA KO ANG HINUBAD NA POLO NI MANG BEN. 
NAKA"SABIT" ITO SA BACKREST NG UPUAN NI CATHY.
MAKAKAGANTI NA RIN AKO. ANO KAYA ANG MAGAWA SA POLO NYA?
a) TATAPUNAN KO IYON NG KOPIKO BROWN AT ISASABIT SA TUKTOK NG CHRISTMAS TREE SA LOBBY
b) GULAGULANITIN AT IPAPATONG SA DESK NI ATE EDNA
c) I-GIGIFT WRAP TAPOS ITAPON SA BASURAHAN
d) TATAPUNAN KO NG POWDERED TONER NG PHOTOCOPYING MACHINE
e) SUSULATAN KO NG "IF YOU'RE BEAUTIFUL, THEN I'M SINGLE" GAMIT ANG LIPSTICK NI CATHY SA DRAWER
ALAM KO NA LETTER "d", PERO HINDI KO NA LANG GAGAWIN, AKO RIN NAMAN PAGBIBINTANGAN.

MAKAKAGANTI RIN AKO SAYO MANG BEN.
IPAPATARP KO ANG PICTURE MO (YUNG TULOG KA) AT IPAPASKIL KO SA PLAZA LUNES NG UMAGA. HEHE.
NABASA KO, MANG BEN, ANG MGA POSTS MO SA BLOGSPOT MO. AND I LIKE YOUR VIEWS ON MILITARY AND ECONOMIC COLLAPSE AND ON DIVORCE. 
KEEP IT UP ???

No comments: