Pages

Sunday, December 05, 2010

NIGHT OUT

NAGYAYA ANG MGA KAIBIGANG PORENDYER NA MAKABANDING KAME.
KAYA KAGABE, PUMUNTA KAME SA SA TAPAT NUNG BAR NI CLAIRE DELA FUENTE SA MACAPAGAL AVE. SAYANG DI KO SYA NAKITA. ITATANONG KO PA NAMAN KUNG ILAN BA TALAGANG BUS ANG MAY MUKHA NIYA. LAHAT BA YON KANYA?

KUMAIN KAMI SA ISANG KOREAN RESTAWRAN.
KIMCHI LANG ANG NAGIISANG KOREAN FOOD NA ALAM KO.
YUNG IBA, KAGABI KO LANG NAKAENGKWENTRO.
MASAKLAP. YUNG CHOPSTICKS NILA ANG DULAS SA KAMAY.
BAKAL NA FLAT. SYEMPRE SANAY AKO SA WOODEN OR PLASTIC NA CHOPSTICKS NA ROUND OR SQUARE. PERO YUNG FLAT NA SMOOTH METAL, PANALO.
NAKUHA KO ANG PALPAKATOIDS AWARD!
SYEMPRE AFTER NG AWARDING, KINUHA KO SI KUTSARA AT KINAIN LAHAT NG MAKITA KO. PATI ALAK NILANG SOJO KINUTSARA KO.
SYEMPRE JOWK LANG ANG ISANG YON.
ILANG KILONG PORK KAYA ANG WINELKAM NG TIYAN KO.

TAPOS DIRETSO SA ISANG KTV PLACE.
NAGBIGAY NG PANANALITA ANG MGA ILANG KOREANO, ANG TRANSLATOR AT NANGANTA KAMI. BEER, YOSI AT PRUTAS.
NAGDUET KAMI NI MASHOY, "HANGGANG NGAYON", BUTI NA LANG AKO NAKADUET NYA, HINDI SI MAKI, DAHIL YUN NA PALA YUNG LAST SONG DAHIL UWIAN NA.
TAPOS, NAGPAALAMAN NA SA ISA'T ISA. KAMAYAN AT YAKAPAN, HAWAK SA BRASO AT TAPIK SA PWET. PANALO.

HINDI AKO TUMULOY AGAD SA PAG-UWI.
KINAILANGAN KO MUNANG MAG-ISA PARA MAGPIGA.
SALAMAT SA BEST FRIEND KONG REAL LEAF AT BUMALIK SA TAMANG KONDISYON ANG KATAWAN KO. LANGO RIN KASE. MARIRINIG MO NGA LANG ANG PAG-PLOK-PLOK NG REAL LEAF SA LOOB NG TYAN KO.
NAGLIBANG AKO. KAILANGAN KONG GAWIN IYON BILANG TULONG NA RIN SA SARILI KO. DAHIL PARA MAKARAOS AKO SA GULONG PINASOK KO, KAILANGAN KONG MAGING MATIGAS.

EASY LANG, LON, EASY LANG.

No comments: