Pages

Friday, January 14, 2011

ALL ABOUT 3D AND MS SUSAN AFRICA

DENIM PANTS


HALOS LAHAT YATA NG PANTS KO AY MAY BUTAS NA SA PUNDYO.
WALA AKONG MAISUOT, KAYA SINUOT KO MUNA YUNG ISANG PANTALON NA MAY BUTAS RIN. PUMUNTA KO SM DASMA PARA MAMILI, SA BYAHE, DI MAIWASANG MAGING KONSYUS, LAHAT PAKIKIRAMDAMAN MO KUNG TITINGIN SA CROTCH MO. AYUN, MERON, YUNG NANAY, ISANG HIGHSCHOOL BOY, ISANG DALAGANG NAGTATRABAHO SA SOUTHCOAST AT ISANG TOTOY NA KALONG PA NG NANAY NYA. HAHA.
TAKIP NAMAN AKO, BAKA MAKITA ANG BALLS.


DANCE AERO


PAGBALIK SA WORK, SUMALI AGAD SA PRAKTIS NG AERO DANCE NA GAGANAPIN SA 25, IKOCOVER DAW YUN NG ISANG MORNING TV SHOW. MAHIRAP SUNDAN YUNG INSTRUCTOR, O BAKA TALAGA LANG AYAW NG KATAWAN KO SA EHERSISYO. TOINK.


DANCE TROUPE


AT DAHIL SA TUMITINDING DEMAND SA PAGPEPERFORM NG DANCE TROUPE  NAMIN,. DUN SA ASSEMBLY KANINA NG KOOPERATIBA. GAYA NG INAASAHAN, NATUWA SILA SA PRAKTIS GINAWA NAMIN. WE RECEIVED LOUD APPLAUSE, REAL SMILES AND KIND REMARKS. HAHA. DAPAT LANG. DAHIL KUNG HINDI, NANAKAWIN KO ANG MGA PANGRAFFLE NILA. HEHE. FOR THE THIRD TIME AY SUMAYAW NA NAMAN KAMI
AT SYEMPRE, SUMUNOD ANG PAGTANGGAP NAMIN NG AMING TALENT FEE.
PAGKAIN AT T-SHIRT (MANUFACTURED MAY 2010, NATIRANG POLITICAL SHIRT, HAHA). PWEDE NA RIN, KAHIT ANG INAASAHAN NAMIN AY PAYONG.

3D


SA PAGIINTERNET AY NAKITA KO ANG TRAILER NG RPG METANOIA. MALAYO KUMPARA SA GAWA NG DISNEY PIXAR, PERO OK NA OK NA RIN.
NAPADPAD DIN AKO SA ISANG WEBCOMICS: http://chapter01.wormworldsaga.com/
ANG LUPIT. ASTIG. PARANG GUSTO KO TULOY GUMAWA NG ISANG WEBCOMICS BLOGSPOT. SYEMPRE, MAHIRAP YUN. 
DAHIL ANG CHAPTER01 NA YAN NG WORM WORLD SAGA AY ISANG TAON GINAWA NG ARTIST. NAKITA KO RIN ITO.
http://tresekomix.blogspot.com/
NAALALA KO, NUNG GRADESCHOOL AKO, GAGAWA AKO NG COMIC STRIP SA ILANG SHEETS NG NTERMEDIATE PAD AT IBEBENTA KO NG PISO. PAG ISANG DRAWING LANG, 25 CENTS. NUNG HIGHSCHOOL AKO, NAKAGAWA RIN NG MAIKLING COMICS, PERO DI KO NA RIN IPINAGPATULOY DAHIL TALAGA NAMANG NAKAKAPAGOD RIN MAGDRAWING. HEHE.


SUSAN AFRICA


SA ISANG BLOG KO RIN NAKITA ANG LINK NA ITO,
http://www.youtube.com/watch?v=bvPkeCA4E1k
NAALIW NAMAN AKO NANG MARINIG KO ANG "SUSAN AFRICA" NG KAMOTE CLUB, PARODY PARA SA WAKA-WAKA SONG NI SHAKIRA. JOLOGS ANG ATAKE. ASTIG.
NATAWA RIN ANG MGA KASAMA KO RITO, LALO NA SI MONG, NANG IPARINIG KO SA KANILA AT IPAKITA ANG VIDEO KUNG SAAN IBA'T IBANG PICS NI MS SUSAN AFRICA ANG IPINAPAKITA. COOL. MS AFRICA IS ONE OF OUR COUNTRY'S GOOD ACTORS.

4 comments:

ISTAMBAY said...

napadaan ang tambay kabayan.. mahirap nga yang magusot ng butas na pants, malamig sa bird,may aircon hahaha.

ccchhhhheeerrrrzzz parekoy

p0kw4ng said...

apir tayo sa butas na pundiyo!!!

tenks sa pagdaan sa bahay ko!

kikilabotz said...

sir first time ko dito. hehehe. wag na aksi magsuot ng butas nakakabawas yan ng confidence kapag hnd mo kayang dalhin ^_^ maraming salamt sa pagdaan ^_^

DEMIGOD WINZTON said...

HEHE. ERKON TALAGA.