Pages

Monday, January 17, 2011

ROCKETFUL OF FOOD

HEADER

NAGPALIT AKO NG HEADER, NATRIPAN LANG, OUT OF ANTOK.
TEKA, DAPAT BANG IBINOBRODKAST PA ANG PAGPAPALIT NG HEADER? HEHE.
CUTE NG ROCKETSHIP NO. SALAMAT SA ISTOCKPHOTO.

ASTRONAUT
TOTOO, NUNG GRADE 1 AKO, GUSTO KO MAGING PILOTO.
NUNG GRADE THREE NAMAN, GINUSTO KO MAGING ASTRONAUT.
PARA MARATING KO YUNG OUTERSPACE, MAS MATAAS KUMPARA SA KAYANG LIPARAN NG EROPLANO. ASTIG NO.

SYEMPRE, NANG TUMANDA, NAG-IBA-IBA ANG AKING AMBISYON.
NAPALITAN, O BAKA NAMAN TALAGA LANG NINAKAW ANG MGA ITO NG KAHIRAPAN AT KASAMAAN NG MUNDO.

BASTA, ASTIG ANG HEADER KO.
HEHE ;) PAMBATA.

PANDESAL AT TSOKOLATE

GALING ULI AKO SA DIVI KAGABI.
TAS NAKIPAGKITA SA ISANG KAIBIGAN SA QC.
INABOT KO SA KANYA ANG MGA PINAMILI KO,
PARA SA DALAWA KONG INAANAK AT ILAN RING KAIBIGAN.
MULING NAGPAKALUNOD SA ALKOHOL AT SA KWENTONG PAULIT-ULIT MO NANG NARIRINIG. IBA-IBA LANG ANG PANAHON, LUGAR AT KARAKTER.

MADALI ANG BYAHE KO PAUWI,
TUWING SASAKAY, MAGBABAYAD, TUTULOG, AT MAGIGISING AKO SA BABABAAN KO. HINDI AKO NAINIP. ASTIG.
MUNTIK NA KAMING MAGKITA NI "SUNSHINE DIZON" SA KALYE.
NAKASABAY SI MR. BARACENA SA JEEP, 
BUMILI NG PANDESAL AT SINAWSAW ANG MGA ITO SA MAINIT NA TSOKOLATE. 
TAPOS, BAGSAK AKONG NAKATULOG.
SYEMPRE HINDI NAMAN PWEDENG "ANGAT" AKONG NAKATULOG.

NAGISING SA TAWAG NG ISANG DATING GURO.
SARAP PA NAMAN NG TULOG KO.

AT MULI AKONG BUMULUSOK PABABA SA MUNDO SAKAY NG AKING ROCKETSHIP.

PAGDATING SA OPISINA, INABOT SA AKIN ANG SPAGHETTI w/ GARLIC BREAD.
DAHIL ALAS-ONSE NA AKO NKAPASOK, NAGLUNCH AGAD.
HOMECOOKED TILAPIA, TALBOS NG KAMOTE, ALAMANG AT TALONGSKI, BIRTHDAY KASE NI ATE EDNA. MAY ICE CREAM PA. UMULAN PA NG POPO MAGHAPON, NA SYA NAMANG SINASAWSAW KO SA HOT CHOCO.SUMUNOD AY SOTANGHON, AT ITO NAMANG HUMABOL NA BICHO-BICHO CHEESE.


SARAP DITO! MORE FOODTRRRRRIIIIIIPS THIS 2011.

2 comments:

ISTAMBAY said...

kakagutom ng mga sinabi mo hehehe...

DEMIGOD WINZTON said...

NAMAN ;)