Pages

Wednesday, January 26, 2011

MULTIKAB

ANG NUVALI STA ROSA AY HINDI NAMAN MALAYO SA LUGAR NAMIN.
SIGURO 20 MINS LANG AY NANDUN KA NA.
KAYA NAMAN NAKAKATAWANG ISIPIN NA NGAYON LANG AKO NAKAPUNTA RON.

INIWAN KO MUNA SA BAHAY ANG RAKET SHIP KO.
SAKAY NG MULTIKAB AT KASAMA NG ANIM PANG MGA KAIBIGAN, NAGTUNGO KAMI SA NUVALI. BAWAL SA SLEX ANG MALIIT AT WALANG PINTONG MULTIKAB KAYA NAMAN SA NATIONAL HAYWAY KAMI DUMAAN. ANG TAGAL NG BYAHE.
KULANGKULANG ISANG ORAS.
SYEMPRE, LANGONG LANGO KAMI SA CARBON MONOXIDE NA NAG-U-U-TURN PATUNGO SA AMIN MULA SA TAMBUTSO NG SINASAKYAN NAMIN.

WALANG PERA NAMING NILIBOT ANG ILANG BAHAGI NG NUVALI.
NAKITA KO ANG MAN-MADE LAKE NILA. ANG FISH FEEDING AREA.
WALA NA AKONG BANGKA NA NAKITA, SARADO NA ANG BOAT-RIDE.
KAYA PICTURE PICTURE NA LANG KUNG SAAN SAAN.

DUMAAN KAMING PASEO STA ROSA AT TUMANGHOD SA MGA KUMAKAIN DON.
HAHA. NAHILI KAMI, KAYA NAGPASYANG UMORDER SA ISANG BINALOT STORE DUN. YUNG KAYA LANG NG BADYET SYEMPRE. GANYAN TALAGA KAPAG WALANG LAMAN ANG BULSA, SIGE NANG SIGE MAKA-GALA LAMANG ;)

AYUN LANG.

No comments: