Pages

Sunday, January 23, 2011

MY EXERCISE AND MY XCS

WALA PA KONG TULOG NANG MAGHANAP AKO 
KUNG SAANG BARANGAY MAY AERO DANCE KANINANG UMAGA. 
SAKAY NANG MOTOR, 5:30AM, SUMILIP AKO SA APAT NA 
BASKETBALL COURTS. WALA. 

UMUWI AKO AT BISIKLETA NAMAN ANG NAPAGTRIPAN.
PARA MAKAPAG-EHERSISYO NA RIN KUNG WALA MANG 
NAKA-ISKED NA AERO DANCE NGAYONG LINGGO.


TUWING NAGBABAYK O NAGMOMOTOR,
BADTRIP NA BADTRIP AKO SA USOK NANG MGA NASA UNAHANG SASAKYAN.
PAANO BA NAMAN, ANG USOK NITO'Y DUMIDIRECHO TALAGA SA SINUSES AT GALL BLADDER MO (DI KO ALAM EH, PWEDE NA YON).


SA AKING PAGBABAYK, MAY TRAYSIKEL SA UNAHAN KO.
UMIWAS AKO SA USOK NITO AT SUMUNOD SA KANANG BAHAGI NITO.
MINSAN LANG AKO MAKAPAGIKOT NANG UMAGA, KAYAT LILINGA-LINGA AKO HABANG NAGBABAYK.


MALAS. MAY BUMAGSAK NA ITIM NA MALETA MULA SA BUBONG NG TRAYSIKEL. SAKTO SA HARAP KO. NAKAIWAS NAMAN AKO AT MULING NAKALANGHAP NG SMOKE VERSION NG PETRON XCS NANG SUBUKAN KONG LAPITAN ANG DRAYBER. ANG SAYA.

AKO: MAY NAHULOG! MAY NAHULOG! (SA TRAYSIKEL DRAYBER AT SA PASAHERONG NASA LIKOD NG TRIKE, NA TAGAHAWAK NG MGA GAMIT SA BUBONG).
SILA: (TUMINGIN, TANGAHEN, PARANG WALANG NARINIG. PUYAT DIN YATA).
AKO: NAHULOG YUNG MALETA!
SILA: (KUMABIG SA KANANG TABI, MULI AKONG NAKALANGHAP NG SARIWANG CARBON MONOXIDE.)


BUMALIK AKO SA ISANG COURT SA MAY BUKID (MALAYO RIN),
SA DAAN, MAY ILANG PATAY NA PALAKA, YAKI.
NASAGASAAN SIGURO NG SASAKYAN.
PAGDATING SA COURT, WALA PA RIN. NAGJOG NA LANG AKO ROON,
HABANG NAGHIHINTAY SA REPLY NG ISA SA MGA NAGTUTURO.


MAYA-MAYA, MAY NAGTEXT!
MAY SCHED NGA NGAYON PERO SA APAT PALANG BASKETBALL COURTS NA HINDI KO NAPUNTAHAN. KULIT NAMAN. DALI-DALI KONG SINAKYAN ANG BIKE AT HUMARUROT TUNGO SA DULO NG MUNDO.


BUMILI AKO NG KULAY ASUL NA ENERGY DRINK. 
MABIGAT KASI SA TYAN ANG TUBIG.
HINGAL AKONG DUMATING SA VENUE. SAKTO, ASSEMBLY PA LANG.
TINGIN LAHAT. MAY UMEKSENA.  
DI BA IKAW YUNG EMCEE NUNG INDUCTION NAMIN.
NAMAN! SIKAT.
SIKAT NA LOBO. NGITI LANG AKO.
MAY UMEKSENA ULI.
O ETO NA PALA MAGTUTURO SA ATIN EH.
PATAYIN KITA, MAKITA MO.
PAG GANOONG HINGAL AKO AT PARANG NAKAKARAMDAM MAGPAPALABAS NG 
MASAMANG HANGIN, IBANG TAO MUNA KULITIN MO. HEHE.
NAGMANO SA DALAWA KONG NINANG, NA SEKONDEGRI NA PINSAN NI MAMA.


MAYA-MAYA, NAGSIMULA NA ANG AERO DANCE.
SARAP. SARAP MAGPAPAWIS, KAPAG PUYAT.
NANG MAGBREAKTIME, INIABOT SAKEN NI KUYA ERIKA ANG ISANG BOTTLED WATER, PRODUKTO NG WATER STATION NYA. SA AKIN DAW YON. BAKA NAGTAMPO NANG TANGGIHAN KO, KASI NGA MAY INUMIN NA KO. HEHE.
NANG MATAPOS, NAGBIKE NA KO PAUWI.


7:30AM NAGPLANTSA AKO NANG ISUSUOT PARA SA PAGPASOK SA TRABAHO. 8AM KASI MAY MEETING, KAILANGANG MAGHANDA PARA SA EVENT BUKAS NANG UMAGA. HANGGANG GABI RAW KAMI RITO NGAYON.

AT DAHIL "GALING SA SAPATOS ANG PAA KO", NAGPASYA AKONG MAGPAHINGA MUNA BAGO MALIGO. HUMIGA MUNA AKO AT NAGPATUGTOG.
PAKSHET NAKATULOG AKO.
AYUN, QUARTER TO 1PM AKO NAKARATING DITO SA OPISINA.

MAMAYANG 7PM, MAGEEXERCISE ULI AKO. HINDI KO PA KASI SAULADO ANG DANCE COMBO 1-3. NAKAKALITO KASE.

No comments: