Pages

Wednesday, January 12, 2011

WALKING ON FAKE SLIPPERS

AT DAHIL NAGLOLOKO ANG NET KONEKSYON DITO SA OPISINA, PAG OFFICE HOURS AT UMAAYOS NAMAN PAG WALA NA ANG MGA TAO SA IBANG OPISINA,
NGAYON LANG AKO MAKAKAPAG-POST.

I WAS IN DIVISORIA LAST NIGHT.
TO BUY SOME TOYS AND FAKE HAVAIANAS.
I WAS PLANNING TO BUY 3 PAIRS, KASO WALANG KASYA.
HINDI NA DAPAT AKO BIBILI, KASO KAILANGAN, DAHIL YUNG GAMIT KONG TSINELAS (NA HINIRAM KO SA KAPATID KO), NAPIGTAL DEN PAGBABA KO NG JEEP DUN SA DIVI. MALAS TALAGA. 
KAYA KAHIT MEDYO MALIIT, KUMUHA NA RIN AKO NG ISAMPARES.
MAGKAKASYA RIN IYON, PAG NAGTAGAL. HEHE.
WHITE VERSION NG GRAY HAVA WAVE KO.
FIRST TIME TO BUY FAKE HAVA. KAILANGAN MAGHIGPIT.


ALSO BOUGHT SOME TOYS (2ND BATCH), FOR SOME INAANAK NA HINDI KO NABILHAN LAST WEEK. A LATE PRESENT IS STILL A GIFT. NA IKATUTUWA NG MGA BATA.

I AGAIN ATE AT THE FOODCOURT OF THE NIGHT MARKET.
CHICKEN BBQ AT PORK BBQ. TAPOS, TINUNGGA KO NA RIN YUNG GULAMAN, KAHIT DUDA AKO RON.


BAGO BUMYAHE PAUWI, DUMAAN AKO SA PLAZA MIRANDA JUST TO SEE HOW IT IS PAGKATAPOS NG FIESTA NG MGA DEBOTO. THAT QUIAPO CHURCH HAS ALWAYS FASCINATED ME. SEEING AN OLD CHURCH THAT IS HISTORIC AND FAMOUS IS AWESOME. LUCKILY THE BIG GATE WAS STILL OPEN, SO I WENT IN (KAHIT SARADO NA YUNG GATE SA LOOB), AND ENJOYED THE SIGHT (BEHIND BARS). I SAW THE FAMOUS REPLICA AND FELT THE SERENITY OF THE BUILDING. I ALSO SAW SOME INTERESTING PIECES AND POSTS AND PLANNED TO TAKE SNAP PHOTOS OF THEM, WHEN I SAW THE GUARD CLOSING THE GATE. I AND THE WOMAN (WHOM I SAW NA NASA LOOB, KAYA NALAMAN KONG PWEDE PANG PUMASOK) WENT OUT.

NATUWA RIN AKO NA MULING MAKITA ANG MUNTING MONUMENTO NG NO TO ABORTION SA LABAS NG SIMBAHAN. NAISIP KO, NASA STA. CRUZ MANILA ANG BABY FACTORY NG PILIPINAS, ANG OSPITAL NA MAY TALA NG PINAKAMARAMING SANGGOL NA IPINAPANGANAK. WALA LANG, NABANGGIT KO LANG ;)


HINDI NA KO NASURPRESA NA MAKITA ANG MALAKING BILLBOARD NG ISANG WHITENING SOAP NA NAKAHARAP SA SIMBAHAN. COMMERCIALIZED AREA NA NAMAN YUN. AT MAY ILAN PANG BILLBOARDS DOON, NA SA AKING PALAGAY AY KAYA DOON NAISIPANG MAGPASKIL AY DAHIL UMAAASA ANG MGA KOMPANYA NA MAHAHAGIP ANG MGA ITO NG KAMERA NG MEDIA TUWING SASAPIT NG PISTA NG NAZARENO. 


MARAMI PA RIN TALAGANG HOMELESS.
KAYA MARAMI RING STREET CHILDREN. 
NAKAKITA RIN AKO NG YAPAK NA MANONG NA BUMIBILI NG HAPUNAN (O AGAHAN) SA DE-PAYONG NA "MOBILE" TINDAHAN SA PLAZA. ISANG PINGGANG KANIN, NA NILAGYAN NG ULAM. NAISIP KO, SA ILANG TAON NYANG PAGLALAGI SA PALIGID NG SIMBAHAN, HINDI MAN LANG SYA NAKATIKIM NG PAG-ASENSO.
NAPALING ANG ATENSYON NYA SA ISANG ISANG PLASTIC BOTTLE SA SULOK.
MABAGAL, HIRAP AT INUUBO NYA ITONG PINULOT. MASWERTE NAMAN PALA SYA. DAHIL MAHIHIRAPAN KANG MAKAKITA NG PLASTIC BOTTLE SA KALSADA NG MAYNILA, DAHIL MARAMI RIN ANG NANGANGALAP NG MGA ITO SA MAGHAPON, LALO NA SA GABI AT MADALING ARAW, KUNG KELAN MADALANG NA ANG TAO, AT WALA NG INIT NG PANAHON.

KAHIT ILANG BESES AKO NAPAIDLIP SA MGA DYIP AT BUS NA SINAKYAN KO.
NAKAUWI AKO NG SAFE NANG 5:30AM.
AT NAG-SENTI SA HIGAAN (SOFA), BAGO TULUYANG NATULOG.

No comments: