Pages

Monday, February 21, 2011

KASO TULOG AKO EH

KASONG IDINULOG SA AKIN KANINANG UMAGA. 

GUSTONG PAALISIN NI ANGELINA ANG ASAWA NYANG 
SI RICKY SA BAHAY NILA SA PHASE 3.

LASENGGO KASI ANG MISTER NYA AT 
SINAKTAN SIYA NITO NOONG MAY 2010, 
NA DAHILAN UPANG SYA AY MAGKA-PASA AT 
MAGKAROON NG PROBLEMA SA PANDINIG.

ANG LUPA AY NAKAPANGALAN KAY ANGELINA, GAMIT ANG APELYIDO NI RICKY. ANG BAHAY (GUSALI) NAMAN AY PAG-AARI RIN NILANG MAG-ASAWA.

SI RICKY ANG KASALUKUYANG NAKATIGIL SA BAHAY NILA SA PHASE 3.
SI ANGELINA AY SA TAHANAN NG NANAY NYA SA BARANGAY 7.

NAIS NI ANGELINANG IBENTA NA LAMANG ANG LUPA,
PAGHATIAN NILA ANG HALAGA NITO AT MAGHIWALAY NA.
NGUNIT AYAW PUMAYAG NI RICKY.

INIISIP NI ANGELINA NA INIIPIT SYA NI RICKY DAHIL WALA NANG PUPUNTAHAN ANG MISTER NYA, SAMANTALANG SI ANGELINA AY MAY BAHAY NA MATUTULUYAN.
KAYA NAMAN, DALAWANG BESES NANG IDINULOG NI ANGELINA ANG KANYANG REKLAMO SA BARANGAY KUNG SAAN NAKATIRIK ANG BAHAY NILA.

NAIS NG PUNONG BARANGAY NA SILA AY MAG-PISAN NA LAMANG MULI, DAHIL CONJUGAL PROPERTY NILA ANG BAHAY AT LUPA. LIMANG ANAK KASI ANG MAG-ASAWA. ANG DALAWANG LALAKI (13 AT 25) AY SA AMA NAIS SUMAMA, ANG IBA PANG MGA ANAK AY SA PANGANGALAGA NI ANGELINA.

HINDI NYA MAPAPAALIS SA BAHAY ANG MISTER NYA, DAHIL MAGAGAWA NITO ANG KAGUSTUHAN NITONG MAG-OKUPA SA BAHAY DAHIL MAY BAHAGI SYA SA BAHAY AT LUPA. PERO MAAARI NYANG SAMPAHAN NG KASO ANG ASAWA NIYA. VIOLATION OF R.A. 9262, VIOLENCE AGAINST WOMEN AND CHILDREN, DAHIL MAY HAWAK NAMAN SYANG MEDICO LEGAL AT NAIPABLATER NYA ANG INSIDENTENG IYON.

KUNG KAKASUHAN NYA SI RICKY, POSIBLENG MAKIPAG-AREGLO SI MISTER,
PUMAYAG NA IBENTA ANG LUPA, PARA HINDI NA SYA MAKALABOSO. 


LEGAL COUNSELOR?!

KASONG NAKARATING SA AKIN NITONG HAPON LAMANG.
 
ISANG PA-KONTES SA MGA BATA. HINDI MTANGGAP NG MAGULANG ANG HINDI PAGKAKAPASOK NG KANIYANG ANAK NA KANDIDATA SA MAGIC 5.
NAGPOST ANG AMA NG KANYANG REKLAMO AT GALIT SA OFFICIAL FACEBOOK ACCOUNT NG AMING LGU. SI MISTER AT SI MISIS AY DUN PA NAG-CHAT SA WALL NG NATURANG FB ACCOUNT.

AKING KINOKONSIDERA ANG KANILANG NARARAMDAMAN,
NGUNIT SA AKING PAGPUPULONG SA MGA MAGULANG NG MGA MAHUHUSAY NA KANDIDATA, NAPAGKASUNDUAN NAMIN NA ANG LAHAT NG CONCERNS UKOL SA PAKONTES AY NARARAPAT LAMANG NA IDULOG SA KOMITE, AT HINDI SA KALSADA O SAANMAN. 

PINABURA KO ANG "NEGA POST" SA ADMIN NG AMING FB ACCT ;)

KASONG NAKARATING SA AKIN NITO NGANG HAPON LAMANG.
KASE UMUWI AKO KANINANG 12NN PARA MATULOG.
BUMALIK LAMANG SA OPISINA PARA MAG-BLOG. NICE ONE!

 

4 comments:

ISTAMBAY said...

ikaw at ang batas.. aba sir humahawak ka pala ng kaso... :)

emmanuelmateo said...

opo dapat kausapin kayo ng maayos upang walang mangyayayring gulo dba po.

Ronster said...

attorney! hehehe

DEMIGOD WINZTON said...

@ISTAMBAY NAGPAPANGGAP LAMANG. FIXER ITO.
@EMMAN OO NAMAN. SA PAGUUSAP NANG MAAYOS, NAGKAKAROON NG KALIWANAGAN AT MAALWAN NA SAMAHAN.
@RONSKI ATTORNEY BORLOGS ;) SALAMAT.