Pages

Thursday, February 21, 2013

ANONG IPINAGLALABAN MO.

NANG MAKAPAGTRABAHO AKO SA GOBYERNO NOONG 2007, 
NARAMDAMAN KONG KAUNTI LANG PALA TALAGA 
ANG NALALAMAN KO SA POLITIKA.
PERO KUNG KAPIRASO MAN ANG KAALAMAN KO NOON UKOL RITO, 
HINDI KO IYON KAWALAN, AT HINDI KO IYON TINUTURING NA KAHINAAN.

HINDI AKO TAGAHANGA NG "PULITIKA".
NAAAWA AKO SA MGA TAO NA KINAIN NA ANG UTAK NG PULITIKA.
KORAP ANG MGA UTAK. MAS KORAP PA SA MGA TRAPO.
MARAMI SA MGA ORDINARYONG MAMAMAYAN AY HINDI NA ORDINARYO.
MARAMI SA KANILA ANG NALUNOD NA ANG UTAK SA PAMUMULITIKA.
SILA PA ANG MAS PULITIKAL KESA SA MGA POLITIKO.
WALANG KAKUNTENTUHAN ANG MATA SA PAMUMUNA, 
WALANG PRENO ANG BIBIG SA PANINIRA,
PERO NAG-UUMAPAW NAMAN SA KAPALPAKAN ANG KATAWAN.

MINSAN TANUNGIN MO ANG SARILI MO.
ANONG BA 'YANG IPINAGLALABAN MO?

ANONG IPINAGLALABAN MO.
SAANG LABAN MO DADALHIN ANG PAMILYA MO. 
AT ILAN MO PANG KAIBIGAN.
NAIS MONG PATUNAYAN NA MARAMI KANG ALAM.
NAIS MONG LAHAT NG HILING MO AY PAGBIGYAN, 
AT SA IILANG BESES NA DI KA NAPAGBIGYAN 
DAHIL NA RIN SA MALI MONG DISKARTE, EH NAGHINANAKIT KA NA.
ANONG IPINAGLALABAN MO.
NA MAS MAINAM KUNG IIBAHIN MO ANG TATAHAKIN MONG DAAN,
KUMPARA SA SAMA-SAMANG TINATAHAK NG NAGKAKAISANG MAMAMAYAN?

NAAALIBADBARAN AKO SA SINGAW NG PAGKA-PULITIKAL MO.
KADA ARAW NASA ISIP MO AY PULITIKA.
BUONG LINGO. BUONG BUWAN. 
BUONG SCHOOL YEAR. BUONG FISCAL YEAR.
BUONG BUHAY MO, PULITIKA ANG NASA ISIP MO.
PINANINIWALA MO ANG SARILI MO 
NA PINUPULITIKA KA NG MGA LINGKOD BAYAN, 
GAYONG IKAW ITONG INAALMUSAL 
AT GINAGAWA PANG MIDNIGHT SNACK ANG "PULITIKA".

SURIIN MO ANG SARILI MO.
LUMALAPIT KA SA MGA POLITIKONG PURO KALABAN,
KASI NAIS MONG MAGKAROON NG SARILING KAPANGYARIHAN.
NAIS MONG UMEKSENA. UMEPAL. MAGPASIKAT.
NAIS MONG MAGING "MAS" KUMBINYENTE ANG BUHAY AT NEGOSYO MO
KESA SA IBANG TAO NA PAYAK AT PATAS NA NAGNENEGOSYO.
IYANG PANGARAP MONG KAPANGYARIHAN AY HINDI UUBRA RITO.

MANINIWALA AKO SA IPINAGLALABAN MO, 
KUNG DADALHIN MO ANG PAMILYA MO SA LIWANAG NG ARAW, 
AT DUN KAYO TUMAYO PARA IWAGAYWAY ANG BANDILA NG KALABAN.

KAYA MO? HINDI.
IYANG INGAY MO, BAKIT DI MO IPARINIG SA KINAKALABAN MO.

HUWAG MONG IPALIGO ANG KARUWAGAN MO
AT HUWAG MONG PAANDARIN ANG INGAY MO 
PARA LANG MAGHASIK NG KAGULUHAN, DITO SA BAYAN KO.

DUN KA SA PINANGGALINGAN MO MAGKALAT.

ALRIGHT! 
EASY KA LANG. 
SAPUL.

KAHIT SAN TAYO MAGKAHARAP,
TANDAAN MO, NASUSUKA AT NAAAWA AKO SAYO.
 
PHOTO COURTESY OF http://www.mspaforums.com

5 comments:

Senyor Iskwater said...

hmmnnn... ang bigat ng bagsakan ng iyong mga salita...

sino ba kaaway mo? saktan na natin 'yan!

DEMIGOD WINZTON said...

WALA NAMAN, 'DRE.
SALAMAT, YAAN MO, PAG KAILANGAN KO NG BACKUP, SABIHAN KITA. HEHE.

Senyor Iskwater said...

nakakagulat naman ang ALLCAPSPARAINTENSE moment mo... hehehe

DEMIGOD WINZTON said...

HEHE!

Goyo said...

Marami dito sa lugar namin ang sobrang hilig sa pulitika. 'Yung tipong makikipag-patayan at bungangaan, siraan at kung ano pang shit, para sa mga manok nila. Buhay na nila ang pulitika, papalapit man ang eleksyon o hindi. Mga bwisit sila.